Travel Blog: A Journey towards Regina Rica Shrine in Tanay Rizal!!!


(Paglalakbay patungo kay Regina Rica sa Tanay Rizal)

May isang tao sa mundo na makikilala mo at magiging gabay, meron ding iba na etetest ang iyong katapangan, kabaitan at ang iyong tiwala. May isang taong darating na magbibigay ng inspirasyon. Isang taong babaguhin ang iyong paniniwala tungkol sa totoong kahulugan ng buhay at pagmamahal.

Ngunit, di lahat ng istorya ay hapi ending, sa huli matuto kang maging matibay na harapin ang bawat sikat ng liwayway na mag-isa at manalig sa poong maykapal. #HugotNo1NiSeraphim


Sa mga post lang ng Facebook ng aking mga kaibigan nakikita ang malaking imahen ni Mama Mary. Simula't makita ko yun, dinasal o pinangarap ko ng makita ang mahal na ina. Imagine, sobrang ganda ng lugar at holy,makakapag nilay-nilay ka at makakatagpo ng katahimikan ng isip at puso.


Di ko akalain, makakarating ako duon nung 2017, isang buwan bago ang aking kaarawan. Nagagalak ako at ako'y nakatagpo ng katahimikan sa pook ng Regina Rica Shrine. Take note, isang scooter lang ang sinakyan ko.

Fascade of Regina

Salamat sa Diyos at ligtas kami nakarating at nakauwi sa Maynila. Naniniwala ako,sa sandaling yun. Ginagabayan niya kami. Pinapakita niya ang kabutihan at pagmamahal ng kanyang anak na si Jesus.



Mahaba ang lakarin. Iniwan namin ang scooter sa parking lot. Hinintay namin ang shuttle ngunit ito'y matagal kaya dahan-dahan na lang namin itong nilakad hanggang makarating s pitstop kung saan naghihintay ang shuttle paakyat.



Ito ang ating mahal na Inang Regina Rica, ang isa sa pinakamalaking replica ni Mama Mary sa bansang Pilipinas na matatagpuan sa Tanay Rizal. Malayo ang pagcommute namin, ngunit ang pagod at nerbyos ay napalitan ng katahimikan ng aking puso, isipan at espiritu. Excited ako makapasok, at kinakabahan. Bawal ang camera sapagkat holy ang lugar na ito. Sa pag-apak ko pa lang at unti-unti akong lumapit sa harapan at lumuhod. Naramdaman ko ang presence ni Papa Jesus at ni Mama Mary. Kaya, unti-unting pumatak ang aking mga luha. Humingi ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang at sa paglimot ko sa kanya dahil sa busy kong mga schedules sa araw-araw. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal kahit sa unting oras ng pagdalaw namin sa dambana ng Regina Rica.


Believe me, kailangan mong pumunta dito para ma-experience mo ang aking naramdaman. Ang pagpunta ko duon ay nakatatak na sa aking puso. Ito ang nagbibigay ng lakas sa akin upang harapin ang buhay sa mundo. Tama ka, mahirap at malungkot pero kailangan mong kayanin ang hamon ng buhay  di lahat ng tao na mabait sayo ay totoo. Di lahat ng nagpapakita ng affection sa'yo ay totoo kang minamahal. Minsan, kailangan mong matutunan na mahalin ang sarili muna at magtiwala sa poong maykapal na di ka niya pababayaan. Kaya kapit lang at magdasal palagi. Upang maging ganap na masaya.


Ito ang Photo Gallery ng aking paglalakbay patungo kay Regina Rica:




Ito ang ilalim ng dambana, pinagdadausan ng misa na pinalilibutan ng mga cherubing anghel.






Ang Harapan na Gate ng Regina Rica




Ang Tanawin mula sa itaas ng Dambana ni Regina Rica



Ang Pangalawang Kapilya sa Pook ng Regina Rica









Till my next inspirational blog travel stories. Finding spirituality and looking for joy at unexpected places. Realizing that life is a constant travel filled with heartaches, misery and loneliness. But, thru, prayers it can make wonders, for you to overcome any obstacles and broken heart. Believe and trust him with all your heart, mind and soul.

Be healed with Jesus Christ and pour your hearts to Mama Mary.



Lots of Love,
Author of Seraphimsnotes
Natalie Regino Tugade
#Seraphimsnotes @Seraphimblue44

Comments

POPULAR POST

Lazada launches 11.11 with more than 1M deals!

Waves of My Life!!!

Adelle Ashitaba Tea: A Powerful Tea that losses weights & fights high blood pressurel!!!

Barbie Musical Instruments distributed by Jen1ne Distributor Inc.

Unveiling of Asia CEO 2016 Finalist at Marriott Hotel

Lola Deling's Atchara Traditions: The Newest Best Atchara in Town!!

My Chill Top Bar Roofdeck Experience!!! (Seeing Quezon City in a different view)

Camaya Coasts: A Serene Paradise at the comfort of Nature. (Leisure Plus Investment Equals Happy Living)

Nailaholics: Argan Products Sale Year 2 is back in the Metro!!!