Wake up call: Sino ang nagpapagising sa iyo sa umaga?
Sino ang nagpapagising sa iyo sa umaga? Yan ang karaniwang tanung ng mga tao na nakapalibot sa mundo mong ginagalawan. Subalit, naitanung mo ba sa iyong sarili. Bakit nga ba ako gumigising sa umaga? Masaya ba akong minumulat ko ang aking mga mata. Inaabangan ko ba ang liwanag na natatanaw ko sa aking bintana. O marahil, tulad ng iba. Ikaw din ay isa sa mga typical na tao na bumabangon dahil kailangan pumasok sa trabaho para sa araw-araw na pangagailangan.
Kung anu man ang iyong dahilan. Sumulat ako ng isang blog para e-share sa inyo ang dahilan kung bakit kinakaya ko mabuhay sa mundo. Inaamin ko katulad mo. May panahon na ayaw ko bumangon. Gusto ko matulog na lamang buong araw o habang buhay. Ngunit, kung iisipin ko at titignan ang bawat mukha at ngiti ng munting anghel na aking tinetherapy. Sila ang dahilan kung bakit pa ako gumigising. Sila ang bumubuhay sa akin na ipagpatuloy ang simulang gawain ang mabigay ng pag-aaruga at pagmamahal. Sila ang nagpapasaya sa akin tuwing pumapasok ako sa ospital na aking pinagtratrabahoan.
Mahirap man sa simula,sapagkat sila ay maliliit, malamlabot at maseselan. Subalit, kapag mahal mo ang iyong propesyon at mayroon kang dedikasyon sa pagtulong ito'y magiging madali sapagkat likas sa tao ang may kabutihan sa puso.
Hindi lahat maiikwento ko. Pero sisimulan ko ito, sa mga ibang batang napalapit na sa aking puso. May mga kanya-kanya akong tawag na naglalarawan sa kanilang espeyal na katangian. Kaya sa mga magulang o guardian. Paumanhin kung ito ang aking naisipang ialyas sa kanila. Di ko ito binanggit para pagtawanan o kutyain ng iba Subalit ito ang nagpapaala sa akin ng bawat ganap nung una ko silang nakita at unti-unti silang napamahal sa akin tulad ng mapagmahal ng isang ina sa kanilang anak. Kahit di ako isang nanay, nararamdaman ko sa puso ko, kung gaano sila kahalaga at masaya ako tuwing sila ay nakikita, kinukulit at inaalagaan.
Isang cute na batang babae, may anghel na mukha. Isang Cerebral Palsy patient ng aking Co-Physical Therapists. Nakuha niya ang aking atensyon nung unang buwan pa lang akong nagtratrabaho. Sapagkat maamo ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan ay Alexi. Kapangalan ng ex-bf ko. Kaya napalapit siya sa akin at ngumingiti siya tuwing ako'y lumalapit. Isa sa mga batang anghel ng rehab na nagbibigay ng kaligayahan sa aking puso.
Isang batang lalaki na buto't balat at sobrang tigas tulad ng isang kahoy. Siya ang una kong pasyente. Sobra akong na-challenge sa kanya. Sa simula, nakakatakot siyang hawakan sapagkat sa sobrang nipis ng balat nia, nakikita na ang kanyang buto at baka ito'y mabali..subalit, ako'y nahabag at tinuloy ko ang therapy sa kanya..sa awa ng Diyos. Nag-improved na siya at tumaba na rin dahil rin sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang lola rose. Ang tunay na pag-aalaga ay nagmumula sa pusong nagmamahal.
Isang mestisang batang babae na may makapal na salamin. Kutis porcelana tulad ng kanyang lola. Ang espesyal sa batang ito. Kapag nagiging excited, lalo syang gumagalaw at naghehead bang. Bakit finding Dory, kasi sa sobrang cute ng mukha niya at kapag naghuhugis patusok ang labi nia, ito'y nahuhugis ng katulad ng mukha ni dory, isang disney character na isda na mabait, mapagmahal at inaaliw niya ang lahat ng kanyang kaibigan kahit siya ay may amnesia. Tulad ni Adriana, niyayakap ko siya palagi at pinapasaya niya ako kahit di siya nagsasalita. Basta, masigla siya at tuwang-tuwa tuwing nakikita niya ako. Ako'y nagagalak na tuwing therapy session namin.
Kaya sa lahat ng nagbabasa ng aking blog. Tandaan, Di lahat nabibiyayaan ng anak. Di lahat kumpleto ang pamilya. Dito sa mundo, di mawawala ang kalungkutan at pagsubok. Mag-isa ka man ngayon..darating ang araw na may isang taong magpapasaya syo. Ngunit, habang naghihintay ka pa. Tulad ko, hanapin ang iyong "happiness" sa munting pamamaraan. Higpitan ang yakap sa mga munting anghel. Ngumiti at makipagtawanan sa kanila. Pasayahin sila kahit wala kang naririnig na salita sa kanilang munting labi.
Ang happiness ay nagmumula sa iyo. Ang tanung lang, tatayo ka ba at gigising o matutulog ka na lang forever. Nandyan lang sa tabi ang magpapasaya syo kailangan mo lang lawakan ang iyong paligid at matutong magmahal ng totoo.
Single ako at pinipilit ko gumising. Para maging masaya. Binabahagi ko ang aking puso at pagmamahal. Kasi sa totoo lang. Malungkot mag-isa. Punong-puno ang puso ko ng pagmamahal, di lang lahat nakakakita.
Hug mo ko. Try mo. Mararamdaman mo ang pagmamahal ko na umaapaw.
I'm recently working as Physical Therapist in a Childrens Hospital in Quezon City to this wonderful kids. And, usually my kid patients are Hydrocephalus and Cerebral Palsy. I'm not asking for anything, but, if you have time to visit us and give simple joys in our rehab. I will appreciate it. Just reach me out and leave some comments.
I'm recently working as Physical Therapist in a Childrens Hospital in Quezon City to this wonderful kids. And, usually my kid patients are Hydrocephalus and Cerebral Palsy. I'm not asking for anything, but, if you have time to visit us and give simple joys in our rehab. I will appreciate it. Just reach me out and leave some comments.
Till my next blog stories of my little Angels in PT Rehab...😊😊😊
I'll be feauturing my other cute little angels, the reason why I wake up each morning to give joy and love to this beautiful kids in NCH. 💓💓💓
I'll be feauturing my other cute little angels, the reason why I wake up each morning to give joy and love to this beautiful kids in NCH. 💓💓💓
Lots of Love in my Heart❤❤❤
Author: Natalie R. Tugade
#Seraphimsnotes @seraphimblue44
Comments
Post a Comment