Byahe ng Healthworkers sa Panahon ng Covid19 Pandemya



Di alintana ng lahat ang hirap ng pasalin saling sasakyan at ng minuto o oras ng paghihintay makasakay ka lamang pauwi ng iyong tirahan. Sa panahon ng COVID19 pandemya, naisipan ng ating butihing pangulo ang libreng sakay para sa frontliners/healthworkers na buong tapang na nagbubuwis ng buhay para sa bayan sa isang invisible n kalaban, ang COVID19 na virus.

Military Truck
Lumikha ako ng isang munting blog para ipaalam sa lahat na di biro ang byahe ng isang healthworker mula sa hospital na kanyang pinagtratrabahoan patungo sa kanyang bahay sa Cavite.

Ito ang kwento ng aming byahe kada isang linggo mula sa 3days skeletal duty sa aming hospital sa Quezon City. Ang aking duty ay tuwing Wednesday hanggang Friday, kailangang ko gumising ng 330am para makapagluto ng kakaining almusal at lunch sapagkat walang malapit na fast food o canteen sa hospital. Kailangan 5am nakaalis na sa bahay, kahit 3 check point ang nasa loob ng subdivision at may mga tanod, kami na lamang ang nakikiusap ng aking asawa upang ihahatid ako at padaanin patungo sa area ng molino hiway gamit ang aming motorcycle. Batid ko na bawal ito, ngunit safety ko lamang ang iniisip nya at madilim pa ang paligid at malayo ang labas ng hiway sa looban ng aming tinitirahan. Ihahatid nia lang ako sa tapat ng subdivision sa kasamang kung co-healthworker na si Mam mylene upang kami'y sabay maghihintay para makisakay kami sa PGH shuttle bus. Kailangan namin abangan ito ng 5am onwards upang makaluwas kmi pa maynila sapagkat wala naman kaming sariling kotse at simpleng empleyado lang kmi ng gobyerno. Pagdating ng PGH, kami ay ulit maghihintay ng DOTR na bus, dati yung shuttle bus na project ni VP Robredo ang sinasakyan namin at ito ay mas convenient sa amin ngunit wala na ito. Kaya't kami ay naghihintay sa DOTR Bus patungo ng Welcome Rotonda/UDMC o Pa St. Lukes Hospital QC na di tiyak ang oras.

Libreng Sakay ni VP Robredo
Minsan, may mga mababait na samaritan na pribadong sasakyan ang nagpapasakay sa amin patungo sa aming hospital. Ang bigkas nga namin ni Mam Mylene, "si Papa God ang magsusukli ng kanilang kabaitan at nagpapasalamat kami na nakarating kami ng luwalhati sa aming pinagtratrabahoan."

Ito ang eksena sa pagluwas, sapagkat 2 gabi kami matutulog sa hospital na di kapiling ang aming pamilya, nakakalungkot lalo na ako at may 6months old na anak. Pero kailangan pa rin tuparin ang sinumpaang trabaho para sa pagsilbi sa gobyerno at sa mga pasyente.

BEEP BUS
Umaga ng Biyernes, Uwian Na:
Ito naman ang challenging at exciting na eksena sa pag uwi namin na di ko makakalimutan. Medyo, nabawasan ang sasakyan sapagkat nagiging gamay na namin ang route ngayon. Ngunit, nais ko ibahagi ang aming adventure na byhe simula nung pumutok ang COVID19 Pandemic. Uwian na from Quezon City to Cavite. Tapos na ang 3days skeletal duty. Masaya dahil makikita ko na ang aking baby.

DOTR BUS Hired /Provincial Bus

Kaya, ito na ang aming byahe, simula sa aming hospital, may ambulance na maghahatid sa amin sa welcome rotonda kung may ihahatid rin sa daanan na yun. Ngunit kung wala, mag aabang ng DOTR bus o kaya maghihintay ng mabait n doktor na empleyado rin ng hospital naisabay kami. Maaga kami bumababa, pero tapos na ang aming mga gawain at di kami agad agad nakakaalis, di tulad ng ibang empleyado na may sariling sasakyan. Maghihintay ng minuto o oras para may magpasakay ng libreng DOTR Bus or isang samaritan na doktora.

Inside NCH Ambulance 

Ito ang routine namin. Kapag naihatid na sa Welcome Rotonda, may isang bus, hininto kami sa UST, isang oras nanaman paghihintay para sa, isang bus patungo sa PGH, ilang 20 o 30 na minuto may dadaan. At naswertehan namin ang Military Truck ng AFP, first time ko ito masakyan. Medyo, mataas ang paakyat at nakakalula pero kinaya dahil mababait ang mga army men at inalalayan kami ksama ng aming mga backpack, buddy bag at eco bag. Mabilis ang takbo, parang nakasakay ako sa roller coaster at maingay ang makina. Kung hindi ka makahawak sa mga bakal cguradong tatalsik ka sa luwag at lawak nito. Sa awa ng Dios, inihatid nila kmi sa PGH. Ito na ang pangatlong salin namin. Pagkatapos, maghihintay kami ulit ng provincial bus patungo sa PITX upang makapasok sa Cavite. Maghihintay ulit kmi ng 15 hanggng 20minuto, di namin alam if may mag uturn. At nung nasa PITX kami, mababait ang nga I-ACT personnels, binigyan kami ng 4 na delatang cornbeef at inassist kmi sa pagsakay ng Beep Bus patungo sa Molino Bacoor Cavite. Sa panahon ng Covid, bayanihan at pagtutulungan ang kailangan ng bawat isa. Kaya saludo ako sa, lahat ng Driver, Kondoctor, Army Men at IACT personnel na tumulong sa amin para makauwi. Tama ka, 5 sasakyan ang aming nasakayan. Mahabang paghihintay pero masaya kami ni Mam Mylene sa ming karanasan.





Kahit, maglalakad pa ako papasok ng subdivision kahit nahahati ito ng boundaries ng Bacoor at Imus. Nagpapasalamat ako at ginabayan kami sa aming byahe. Sa kasalukuyan, 3vehicle na lang ang aming nasasakyan na pasalin salin. Ngunit, mahaba pa rin ang paghihintay namin sa lobby ng hospital bago makauwi. Sapagkat aking trinatracked sa GPS  ang DOTR Bus na maghahatid sa amin sa PGH kung dadaan ito sa route ng NCH. Kaya't, nagpapasalamat ako kay Mam Ruby sa itinuro nyang DOTR GPS, malaking tulong ito. Magandang pamamaraan ng ahensya ng ating gobyerno ang libreng sakay ng DOTR Bus para sa, mga healthworkers at frontliners na katulad ko.

My fellow Healthworker, Ms. Mylene, Sec. Of NCH Director /VP Of NCHE - AHW

Sa Panahon ng COVID19, madaming buhay na ang nagbuwis sa hanay ng Healthworkers. Ito ang panahon ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa. Magpasalamat ka sa poong maykapal dahil ikaw kapiling mo ang iyong pamilya gabi-gabi at mabilis ka nakakauwi sa iyong tirahan na di mo kailangan pagdaanan ang byahe ng pasalin salin. Na may kaba sa bawat upuan o taong nakakasalamuha. Magdadasal na sila ay malusog at di carrier ng mabagsik na virus. Kaya, sa bawat healthworkers o frontliners na kakilala mo, sila ay ipagdasal na may lakas sila na physical, mental at spiritual upang labanan ang Covid19. Palakasin ang kanilang loob. Magmalasakit at magtulungan. Di natin kaya mag-isa. Hwag lumabas ng bahay sapagkat kami ngbybyhe at pumapasok para sa inyong lahat. Matatapos din itong crisis natin sa buong mundo. Magdasal at magtiwala lang sa ating Gobyerno. Alam nila ang batas, makinig at sumunod. Ako po ay naniniwala, may solusyon ang bawat problema, may gamot sa bawat sakit at may dahilan kung bawat nangyayari ang isang bagay. Kailangan lang natin, palawakin ang ating isip at puso. Nahihirapan tayong lahat, magtiwala at magtiis. Matatapos din ang lahat. Mapupuksa natin ang Covid basta't sama sama ang bawat mamayang Pilipino.

Shuttle Bus staging at PITX

Di madali ang byahe ng Healthworker sa Covid-19 Era, palipat-lipat at matagal pero makikita mo pa rin ang pagkakaisa, pagpapahalaga at pagtutulungan ng bawat isa.

Time Duration of Travel: 3PM TO 8PM 
1st Time Adventure Route for Covid-19:
NCH 👉Welcome Rotonda 👉 UST 👉 PGH👉 PITX 👉 MOLINO CAVITE 711Shell

Photo Gallery:






Ito ang FACEBOOK PAGE NG DOTR makakatulong sa iyong route, may GPS na ito. DOTR FACEBOOK LINK GPS

Kailangan mo lang maghintay at mahabang patience. Syempre, dapat may mobile data ka. 

Enjoy the ride and think positive. Be brave. 

Ito rin ang DOTR Text Number if nais mo ang libreng sakay, 09298648159 or 09777149837.



Have a safe ride my fellow healthworkers /frontliners. Saludo ako sa inyong katapangan. May God be with us always. 



Lovelots, #Seraphimsnotes 


Quote for Healthworkers:
“To look at something as though we had never seen it before requires great courage.” – Henri Matisse


Comments

POPULAR POST

Travel Blog: A Journey towards Regina Rica Shrine in Tanay Rizal!!!

Lazada launches 11.11 with more than 1M deals!

Waves of My Life!!!

Adelle Ashitaba Tea: A Powerful Tea that losses weights & fights high blood pressurel!!!

Barbie Musical Instruments distributed by Jen1ne Distributor Inc.

Unveiling of Asia CEO 2016 Finalist at Marriott Hotel

Lola Deling's Atchara Traditions: The Newest Best Atchara in Town!!

My Chill Top Bar Roofdeck Experience!!! (Seeing Quezon City in a different view)

Camaya Coasts: A Serene Paradise at the comfort of Nature. (Leisure Plus Investment Equals Happy Living)

Nailaholics: Argan Products Sale Year 2 is back in the Metro!!!