Diyos-Diyosan Movie Reflection for this coming Election2016


A movie that is worth watching for. A reflection of how Filipino can vote wisely this coming Election 2016. 

Isang makabuluhang istorya ng ating lipunan na nagsasalamin sa katotohanan ng pulitika, ang mga  mahihirap ng kababayan,mga rebelde sa kabundukan at ang mga ganid sa kapangyarihan.

Isang matapang at matalinong pagsusulat ng direktor na si Mr. Cesar Evangelista Buendia. Ang kanyang malikhaing kwento ay nagmumulat sa bawat Pilipino na ang pagbabago ay hindi magmumula sa kahit sinong pangulo ang ilulok sa pwesto ngunit  ito ay nagsisimula sa ating bawat sarili. Ang korupsyon,krimen at kahirapan ay mapupuksa sa pag-iisip ng tamang gawain sa kapwa,disiplina sa sarili at ang pagiging matuwid,mapagmahal sa kababayan at ang maglingkod sa kapwa ng buong katapan.

My Co-Blogger Leomy and Peng Desuyo
For Grand Premier of Diyos-Diyosan

Lahat ng Pilipino ay may kanya-kanyang opinyon, pagdating sa katayuan ng ating lipunan at mga kandidato na sinusuportahan patungo sa pagbabago at progreso ng ating bansa. 
Ngunit,palagi natin iisipin ang kapakanan ng nakakarami. Ang mahalaga ating ipagdasal na kung sino man sa mga kumakandidato na pagiging pangulo ay maging karapat dapat na maglingkod sa bansang Pilipinas. Isang Pangulo na may Puso sa mahihirap at may takot sa Diyos.


Dapat tandaan na ang Pilipino ay hindi nabibili. May paninindigan at may integridad na dapat pahalagahan. Tulad ng dialogue sa kwento ni Grand Master, "ang bobong voters ay 500 pesos lamang. Ang Pilipino ay mahilig sa Buy1Take1 lang"  Kailangan natin patunayan na tayo ay isang matalinong botante...marunong magsala,mag obserba at manimbang ng Tamang tao na magiging Pangulo ng Pilipinas at hindi nabibili.

Ang bawat Aktress at Aktor ng Movie ito ay nagpamalas na natatanging pag ganap. Naipakita nila sa mga nanunuod ang kahalagahan ng tamang pag-gabay para sa pagbuo ng isang matapat na pinuno. Ang pagtaliwas sa kabutihan at sumabay sa agos ng kasamaan at pagkasira ng katauhan.Ang pagkakaibigan at ugali ng isang tao ay napapalitan ng pagiging ganid sa kayamanan at kapangyarihan. Ngunit,sa huli may kailangan magsakripisyo para sa nakakarami upang ang katotohanan at kabutihan ang manaig. Ang mapang-aping sistema ay nasa isip lamang. Kung walang pagtanggap o pag-unawa. Lahat ay mababalewala.


Salamat sa magandang panunulat na 4 na taong pinagsikapan tapusin upang maipalabas ngayon darating Eleksyon.

Isang Obra Maestra na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan upang mailakat ang mensahe sa tamang pagpili ng magiging Pangulo. 

Nawa'y gabayan tayo ng nilikha sa pagluklok ng ating bagong Pangulo. Lagi natin isipin,ang pagbabago ng kabuhayan ng Pilipino ay nagmumula sa sarili.  Ang Diyos-Diyosan,ang natatanging istorya ng taon na bawat panuorin ng bawat Pilipino bago bumoto sa darating na May 9,2016.

Here are some photos of the Grand Premiere last April 30,2016 at Cinema 3 in SM Megamall:

















Thank you for reading this simple blog. 
Lovelots,
#Seraphimsnotes

Kindly,like my FB page:www.facebook.com/seraphimsnotes

Ig/Twitter: @seraphimblue44

Comments

POPULAR POST

Travel Blog: A Journey towards Regina Rica Shrine in Tanay Rizal!!!

Lazada launches 11.11 with more than 1M deals!

Waves of My Life!!!

Adelle Ashitaba Tea: A Powerful Tea that losses weights & fights high blood pressurel!!!

Barbie Musical Instruments distributed by Jen1ne Distributor Inc.

Unveiling of Asia CEO 2016 Finalist at Marriott Hotel

Lola Deling's Atchara Traditions: The Newest Best Atchara in Town!!

My Chill Top Bar Roofdeck Experience!!! (Seeing Quezon City in a different view)

Camaya Coasts: A Serene Paradise at the comfort of Nature. (Leisure Plus Investment Equals Happy Living)

Nailaholics: Argan Products Sale Year 2 is back in the Metro!!!